Pumunta sa nilalaman

JavaScript

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang JavaScript ( /ˈdʒɑːvəˌskrɪpt/[1]) ay isang high-level, dynamic, untyped, at interpreted na programming language. Ginawa itong pamantayan sa pamamagitan ng espesipikasyon ng wikang pamprograma na ECMAScript. Kasama ang HTML at CSS, ito ang isa sa mga tatlong mahahalagang teknolohiya ng World Wide Web sa larangan ng paggawa ng mga nilalaman; ang karamihan ng mga websayt ay ginagamit ito at sinusuporta ng lahat ng modernong mga Web browser na walang plug-ins.

Kasaysayan at paano gumagana

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsimula ang ideya ng naturang mga dynamic na web page sa pagkaka-imbento ng scripting language na JavaScript. Ang pagsuporta ng JavaScript sa mga pangunahing web browser at nangangahulugan na makakapagsama ang mga web page na iyon ng higit na makahulugang real-time na mga pakikipag-ugnay. Halimbawa, kung nagpunan ka ng online na form at na-klik ang pindutan na "i-sumite," magagamit ng web page ang JavaScript upang tingnan ang iyong mga pinasok sa real-time at agad kang aalertuhan kung mali mong napunan ang form.

Ngunit ang dynamic na alam natin ngayon at nabuo nang ipinakilala ang XHR (XMLHttpRequest) sa JavaScript, at unang ginamit sa mga application sa web tulad ng Microsoft Outlook para sa Web, Gmail at Google Maps. Pinagana ng XHR ang mga indibiduwal na bahagi ng isang web page — isang laro,